Contact

Name

Email *

Message *

Blog Archive

unang hakbang

/ / / Edit
naniniwala ako na mas maigi maglabas ng sama ng loob sa isang taong hindi marunong makinig. lalo na kung ang gusto mo lang naman ay makapagbuhos ng hinanakit sa buhay. aanhin mo ang simpatya at payo ng iba? magulo pa ang isip mo. gusto mo lang muna sumabog nang hindi inaalala kung OA ka na ba or wala ka na sa tamang pagiisip. gusto mo lang muna umiyak nang walang nagpapatahan. either maghanap ka ng taong walang kwenta pero may oras sayo o ibuhos mo sa pader kaso walang verbal fulfillment yon kaya bale wala lang baka lalo ka lang maasar.

pwede ring mag-blog.

hmm. dapat talaga nagsusulat na ko ngayon e. isang linggo akong walang ginawa. tsk.