Contact

Name

Email *

Message *

Blog Archive

piolo in my dreams

/ / in / / Edit
dream segments entry again cos i keep on snoozing the alarm clock!

I.
// movie night out at trinoma with UP AChES brods and sisses but i only saw the brods, specifically kuya jhomar and kuya omeng.
// walking along trinona i saw tsia (from hs). tapos kuya jhomar was calling out to us to buy tickets already cos the lines are long.
// tas parang i walked along dun sa part na fountain dapat pero walang tubig tas nung dumaan ako nagkatubig so nabasa ako. eh. naalala ko yung suot ko, green shirt, red shorts! >:))

II.
// at home, we were eating dinner yata tapos mommy showed as a plate of exotic food. exotic = snake. galing sa ref so malamig at immobile sya. maliit lang yung snake sa plato, kulay brown, mga isang ruler ang haba. bale ulo ng anaconda, buntot ng rattle snake. sabi ni mama vibrator snake daw yun. tas kinuha ni mama yung snake tas biglang nagising! as in nag-'ssssssss'. di naman natuklaw si mama haha pero natakot ako.
// tas naghuhugas daw ako ng pinggan tas tong si ate wilma nag-scary face sa may bintana sa harap ko tas naasar ako pinagalitan ko yata na wag ako tatakutin ng ganon blah blah blah.

III.
// somewhere sa bahay, either basement or kitchen di ako sure. me mga nakakulong na mga kalalakihan sa isang kwarto tas nakadungaw sila dun sa parang window. muntanga lang pero as i remember, lahat ng faces nila blacked out sa paningin ko. di ko sila kilala. tas ako yata nagbabantay blah blah tas natuwa yata ako so inalok ko sa kanila yung upuan ko sabi ko, "gusto nyo upuan?" tas binuhat ko papunta sa kanila tas parang narealize ko na gagamitin nila yun para tumakas so binawi ko.
// e naabot na pala nila! i mean ni PIOLO. ok so nakikipag-agawan ako ng upuan kay piolo sa aking panaginip e lamnyo naman sa panaginip pag-action na ang genre, biglang slowmo lahat parang nawalan ng gravity sa mundo. wala akong kalakas lakas tas parang lumulutang na ko sa ere sa kakahila sa upuan. haha
// in short nakatakas sila. tas hina-hunting ko sila isa isa sa bahay ala spy. tas me nakita ako isa so i kinda glomped on him eh si ace pala (bf ng barkada ko). tas ayon. di ko na maalala.
//lumabas ako sa gate tas nakita ko me mga van na nahihintay sa labas. as i recall, sila yata yung mga "bossing" na nagpa-kidnap yata dun sa mga preso namin blah blah e nakatakas nga diba so yung isang lolo dun, "HANAPIN SILA" so bumalik ako sa loob, tas me pinasunod na alagad (mejo afro yata) si "bossing" tas bumaba sya dun sa basement na pinaghihinalaang pinagtataguan ng mga katatakas lang na kalalakihan.
//nung bumaba sya, di ako sumunod feeling ko kasi babarilin sya dun. tas nung nasa baba na nga sya, me nagbato ng, oh well, oversized santol. feeling ko fruit bomb yun so...

nagising ako. haha